Skip to main content

Ako na! Ako na ang Excited!! A Tagalog post..


Okay, medyo wala ako sa mood mag-English. Mas ma-eexpres ko ang aking damdamin kung magtatagalog ako kaya eto na mga sister..gow!

Eto na nga.. excited ang lola.. bakit kamo??
Eh kasi magkikita kami ng mga sisters (not biological) sa saturday..dyan oh.. sa mall malapit sa bahay. Sa mga hindi nakaka-alam ang weekend namin dito and all other MIddle East country eh Friday-Satuday kasi Muslim Country. Yung iba may pasok na pag satuday and isa kami sa mga mapapalad na may two days off.

Maikling intro kwento:

Si Jasmine at si Che ang imimeet ko sa saturday. Sila ay dalawa sa apat na considered na kapatid ko nang maputna ako dito sa Dubai. We shared a studio flat (217), lima kaming nag-gagandahang dilag that time. Ako, Si Au (ang aming madam at sa kanya nakapangalan ang flat kaya sa kanya kami nagbabayad sya ngayon ay nasa napakalamig at sosyal na.... Finland!!!!! charot! kung maka introduce parang beauty pageant lang!), Si Kirs (na nasa Pinas na with her adorable daughter and kumareer sa pagiging mudra sa amin--pero teka magwowork na yan si Kirs soon..excited ako for her..ayan excited na naman, palagi na lang akong excited), Si Jasmine na ate ng lahat na ngayon eh masaya na rin sa piling ni Nick and kanyang better half na palagi kong kasama sa mga lakaran..(ayyyyyyyy! excited na naman ako kasi manunuod kami ng Eraserheads concert next week!!! eh favorite banda ko kaya yon no!!!! kaloka!! Ely!!!! Sayang at may mahal na ako ngayon..kung hindi kakaririn kita sa meet and greet!! CHAROT! papatayin ako ni Chief kung sino si chief..malalaman nyo sa mga susunod na kabanata ng blog na ito..ang arte!!)at ang aking kakambal na kapatid na si Che naman ay maligaya din sa piling ni pareng Gani at ng kanilang munting supling na aking inaanak  na nagmana sa kagandahan ko.. si baby Isa. Nakuuuu.. baka kumontra si kapatid..pero teka sabi mo magkamukha tayo so wag ka magreklamo dyan! Kaming lima ang magkasama sa mga unang bwan ko dito sa Dubai. We've gotten close na sisters talaga. May loka-lokahan--kami ni Che yan, Online moments (online tawag namin sa pagpaplantsa), Panunuod ng The OC Series sa laptop ko (wala kasi kaming TV), maglalaro ng piko sa pamamagitan ng tiling  ng flat kasi bored at ang pato ay ang sachet ketchup ng Heinz na free sa KFC or Popeyes Chicken sachet ketchup--kami na naman ng loka loka kong kakambal yan na si Che, ang mga "luwas" namin ni ate jas (luwas to karimlan called Dubai kasi sa Sharjah kami nakatira, industrial area -- bundok kung tawagin  ni ate Jas), ang mga cooking moments with Kirs, tampuhan moments na di mawawala --naku kami na naman ni kirs to.. noon kasi di kami magkaintindihan pero ngayon super close na! kaya nga nanghihinayang ako na naging close pa kami kung kelan magkalayo na kami at nasa pinas na sha, etc.etc.. basta masaya sa bahay ni Madam ang Flat 217 and we are the 217 girls!

Pasensha naman sa haba ng intro, para naman gets nyo pag I talk about them di ba? Sino si ganito, Sino si ganyan..eklabu eklabu..dadami pa ang characters ng blog na ito later..

 So, ayan na nga at magkikita kami ni ate Jas at ni Che sa saturday.. yehey!!!! with matching sayaw sayaw pa yang yehey na yan! Magkakasama daw kami sa lunch at shempre dakdakan na agad! Tapos pupunta kami sa Home Center kasi may discount si ate Jas dun kasi owned by their company yun kaya ayan napapasayaw ako sa excitement.
Nagsabi na ako kay Chief kagabi, maiwan na daw sha sa bahay para may magbantay sa aming weekly maid habang naglilinis at plantsa at magtatrabaho na lang daw sha habang wala ako.. ang sweet di ba? ay nako napakaswerte ko talaga.. ika nga ni kapatid (Che) aba..aba..aba.. plus pogi points si Chief! Sabi ko.. oo nga eh, dami na nyang pogi points nababaon tuloy ako dahil kulang ako sa ganda points.. kaya naisip ko.. kelangan na ipaghanda ko ng masarap na tanghalian si Chief bago ako umalis para naman feel nya ang love ko di ba... kawawa naman ang mahal ko kung magpi-peanut butter sandwhich na naman sha samantalang ako eh kakain sa labas. As if naman masarap kakainin ko eh special diet ang peg ko ngayon dahil nga kaka-ospital ko lang at may mga therapy pa ako, treatments and checkups. So salad na walang kamatayan lang ang kakainin ko....huhuhuhu....anyway, kailangan mag esep esep na ako ng tanghalian na peyborite ni Chief.

I'll bring my camera sa saturday to take pics and to post a blog about that day. Since eto na nga na I'm back to blogging eh lagi na ako magdadala ng camera ngayon..ganun daw pag blogger so.. carry na!! Ayoko dalhin ang DSLR camera, maganda  naman ang kuha ng point and shoot ko may panorama pa kaya gow!

Til my next post!

CIAO!

Carmi

Comments